Friday, April 26, 2013

PM: Seen and Ignored

Nag-follow up personal message ako kay Jason sa FB...


April 15 Monday 6:11 pm
Kamusta na?


Naghintay ako ng minuto, oras, hanggang sa ilang araw ang lumipas wala siyang sagot. Pero sige ok lang kahit na ang expectation ko sasagot siya kahit paano. Hindi naman kami close ever since the world begun. Sa palagay ko, hindi niya din ako kilala.

Eh dahil makulit talaga at matigas ang ulo ko...


April 21 Sunday 9:34 am
Bakit hindi ka nagreply?
Seen Sunday 11:54 am

April 22 Monday 2:59 pm
Uy ang suplado niya. :-)


Eh dahil sa dakilang suplado talaga, deadma parin si Jason. Yun lang. Sa pagkakataon na 'to natatawa nalang ako sa sarili lalo na kapag nagbibiruan kami ng mga kasama ko sa work. At the same time, nalungkot din. Sa palagay ko sobrang effort na ang ginawa ko tapos hindi man lang niya naisip o nagawa na magreply kahit isang tuldok o smiley. Pambihira naman. That's the consequence. 

Nakakainis naman pero I told myself...

"Hindi ka naman dapat mainis kasi in the first place it's your decision. He don't owe you an answer. He's just not that into you. Hindi siya interesado na makausap ka. Mas mabuti na hindi siya magreply para hindi magkaroon ng conversation." 

Ang NEGA naman. Hahaha!

I'm jumping again into conclusions/assumptions. Tsk! Tsk!

There's a lot of POSSIBLE reasons kung bakit wala siyang sagot.

Nagtataka lang ako dahil hanggang ngayon FB Friends parin kami. Pwede naman niya akong i-delete dahil actually siya naman yung nag-accept ng friend request from me (2 years ago).

Ewan! Haha!

'Til next time.  :-)

If you simply ignored the feeling, you would never know what might happen, and in many ways that was worse than finding out in the first place. Because if you were wrong, you could go forward in your life without ever looking back over your shoulder and wondering what might have been.

Monday, April 15, 2013

Si Jason

Si Jason.
Yun lang. 
Sige bye!
Walang kwentang post hindi ba. Yung tipong sasabihin mo ano kaya yun?!
Exactly! :-)











Hindi ko kasi alam kung paano ako magsisimulang ikwento siya. Yung feeling na gusto ko umpisahan na magsulat pero kapag nasa harap na ako ng laptop. BOOM! Anong isusulat ko?! Katulad ng kasalukuyang nangyayari ngayon. Nakakaasar! 

Ibang klase kasi ako magka-crush kulang nalang ligawan ko yung guy. Lahat ng bagay na gusto ko malaman sa kanya inaalam ko. Pero dahil sa ating nakagisnang kultura hindi ko naman siya kayang ligawan. Pero kung sakali man na pwede, huwag niya akong sasagutin. Dahil ako yung unang lumapit. Dahil ako yung unang gumawa ng paraan para magkakilala kami. Dahil babae ako. Dahil respeto nalang. Dahil kung may gusto siya talaga hindi niya ako hihintayin na gumawa ng paraan.

Ang weird ko diba. Sobra. :-)

Tama na yung crush ko siya. Kung sakaling mahalin ko siya hindi ko naman pipilitin na maging kami. 

Naisip ko lang, interesado kaya siya na makilala akong muli.

Tama...MAKILALA MULI. Ibig sabihin may kwentong tinatawag na nakaraan. Pero hindi nagtagal dahil nawala ako tapos nawala din siya. Hindi kasi kami nagkatagpo. Ang nasa isip ko kasi noon kapag nakita niya ako baka magbago siya ng pakikitungo. Kaya inunahan ko na walang patutunguhan. Mas mabuti pa na lumayo.

Tapos ngayon bumalik ako dahil gusto ko siya maging kaibigan. Baka this time we'll be friends na.

Hi, Jason! :-) 
Message ko sa kanya last February 27
Seen on March 4

Hindi siya nagreply.
Sira kasi ako.
Akala ko kasi.

Normal ba yun? Ganun lang talaga siguro kapag interesado ka sa isang tao tapos hindi naman siya interesado na makilala ka.