Monday, December 16, 2013

Broken

Bakit ang hirap tanggapin na ayaw sa'yo ng isang tao? 

Kahit anong gawin ko palagi akong talo. Kahit humakbang ako palayo, ilang beses nanunumbalik na gusto ko parin siya kahit ayaw niya sa akin. Sobrang nakakainis. Sobrang nakakaasar. Wala naman siyang ginagawa para manumbalik na gusto ko parin siya sa paglipas ng panahon. 

Suntok sa buwan.

Sinasabi ko nga sa aking dasal, "Sana matagpuan niya na yung girlfriend niya. Matagpuan niya na po yung magpapangiti sa kanya, magmamahal at mamahalin niya. Yung taong kaya po siyang tanggapin at tinatanggap niya. Yung taong kaya po siyang intindihin at maiintindihan niya. Nahihiya po akong sabihin pero sana po ako nalang. Pero hindi niya po talaga ako pinapansin. Kahit anong gawin ko po."

Bitter.

Sana makaya ko na tanggapin na hindi ako ang girl na pinapangarap niya at harapin ang katotohanan na kahit kailan walang kaming dalawa.

Obvious na bitter ako. Hindi naman pwede sa Facebook ko ipangalandakan ang emosyon ko. Kaya dito nalang. Badtrip lang talaga.

Ang dami kong naiisip na tanong, tulad nalang nang:

Bakit hindi siya nagreply?
Bakit ayaw niya sa akin?
Bakit ang suplado niya?
Bakit hindi nalang niya i-click ang unfriend sa profile ko?

Magsalita ka naman! Sabihin mo naman kung ano yung tumatakbo sa isip mo. Paikot-ikot lang ang lahat.

Ang t*nga ko.

Hindi ako nararapat sa kanya dahil hindi ako yung magpapasaya sa kanya. Mahirap ipagpilitan ang sarili sa taong walang pakiramdam sa'yo, na tila nakasarado ang pintuan at bintana para sa'yo. 

Nakakapagod.

Madalas mayroon tayong mga dinadasal, na akala natin hindi sinasagot ng Diyos. Pero ang hindi natin alam may sagot na SIYA, maaaring nasa harapan o nasa paligid lang, pero hindi natin naririnig dahil sa ipinagpipilitan natin kung ano ang ating gusto mangyari.

We don't need to rush. If something's bound to happen, it will happen. In the right time, with the right person and for the best reason.

Sunday, August 4, 2013

Deactivated

After ng fourth message ko kay Jason. Syempre nagpadala pa ako ng mensahe ulit. Actually yung bawat mensahe bago ko ipadala with sign of the cross sabay click sa SEND. 


April 27
12:32 pm
Sorry makulit ako. akala ko kasi pwede ka kausapin pero until now wala ka naman reply.

May 2
9:11 pm
Hi ulit

May 12
3:06 pm
Happy Mother's Day to your Nanay! God bless!

May 24
8:00 pm
Sana magreply ka noh. Kaya lang imposible.

June 23
4:13 pm
Good afternoon. Jason question lang, friends ba tayo?


Nagcomment pa ako sa status niya na kahit online pala siya yung comment ko lang ang hindi niya pinansin. Sabi ko sa sarili ko, Oh my, grabe talaga. Utang na loob, tama na. Eh kasi naman hindi nga interesado sa'yo.

Hindi ko naman siya liligawan. Magkaibigan lang. Ano ba problema ng taong 'to. Eh sana una palang hindi nalang niya ako inaccept sa Facebook. Bwiset! 

Eh kasi naman ano bang requirements niya. Hindi yata ako pumasa. So malamang bagsak ako.

Lechugas na reasons yan, ano nga ba yan?! 

Hindi ko na siya maintindihan. Kahit friends siguro wala akong lugar. As simple as that.

Pero wala naman ako regrets sa ginawa ko. Darating ang panahon wala akong what ifs. Sa mga dahilan niya bahala na siya. 

Wrong move. Siguro nga.  

Iniwasan ko nalang siya para ilagay sa ayos ang lahat.

Deactivated ako for the meantime sa Facebook. 

Affected much? Oo. Malungkot dahil sa result ng actions ko. Charge to experience sabi nga nila.  

Life goes on.

Friday, April 26, 2013

PM: Seen and Ignored

Nag-follow up personal message ako kay Jason sa FB...


April 15 Monday 6:11 pm
Kamusta na?


Naghintay ako ng minuto, oras, hanggang sa ilang araw ang lumipas wala siyang sagot. Pero sige ok lang kahit na ang expectation ko sasagot siya kahit paano. Hindi naman kami close ever since the world begun. Sa palagay ko, hindi niya din ako kilala.

Eh dahil makulit talaga at matigas ang ulo ko...


April 21 Sunday 9:34 am
Bakit hindi ka nagreply?
Seen Sunday 11:54 am

April 22 Monday 2:59 pm
Uy ang suplado niya. :-)


Eh dahil sa dakilang suplado talaga, deadma parin si Jason. Yun lang. Sa pagkakataon na 'to natatawa nalang ako sa sarili lalo na kapag nagbibiruan kami ng mga kasama ko sa work. At the same time, nalungkot din. Sa palagay ko sobrang effort na ang ginawa ko tapos hindi man lang niya naisip o nagawa na magreply kahit isang tuldok o smiley. Pambihira naman. That's the consequence. 

Nakakainis naman pero I told myself...

"Hindi ka naman dapat mainis kasi in the first place it's your decision. He don't owe you an answer. He's just not that into you. Hindi siya interesado na makausap ka. Mas mabuti na hindi siya magreply para hindi magkaroon ng conversation." 

Ang NEGA naman. Hahaha!

I'm jumping again into conclusions/assumptions. Tsk! Tsk!

There's a lot of POSSIBLE reasons kung bakit wala siyang sagot.

Nagtataka lang ako dahil hanggang ngayon FB Friends parin kami. Pwede naman niya akong i-delete dahil actually siya naman yung nag-accept ng friend request from me (2 years ago).

Ewan! Haha!

'Til next time.  :-)

If you simply ignored the feeling, you would never know what might happen, and in many ways that was worse than finding out in the first place. Because if you were wrong, you could go forward in your life without ever looking back over your shoulder and wondering what might have been.

Monday, April 15, 2013

Si Jason

Si Jason.
Yun lang. 
Sige bye!
Walang kwentang post hindi ba. Yung tipong sasabihin mo ano kaya yun?!
Exactly! :-)











Hindi ko kasi alam kung paano ako magsisimulang ikwento siya. Yung feeling na gusto ko umpisahan na magsulat pero kapag nasa harap na ako ng laptop. BOOM! Anong isusulat ko?! Katulad ng kasalukuyang nangyayari ngayon. Nakakaasar! 

Ibang klase kasi ako magka-crush kulang nalang ligawan ko yung guy. Lahat ng bagay na gusto ko malaman sa kanya inaalam ko. Pero dahil sa ating nakagisnang kultura hindi ko naman siya kayang ligawan. Pero kung sakali man na pwede, huwag niya akong sasagutin. Dahil ako yung unang lumapit. Dahil ako yung unang gumawa ng paraan para magkakilala kami. Dahil babae ako. Dahil respeto nalang. Dahil kung may gusto siya talaga hindi niya ako hihintayin na gumawa ng paraan.

Ang weird ko diba. Sobra. :-)

Tama na yung crush ko siya. Kung sakaling mahalin ko siya hindi ko naman pipilitin na maging kami. 

Naisip ko lang, interesado kaya siya na makilala akong muli.

Tama...MAKILALA MULI. Ibig sabihin may kwentong tinatawag na nakaraan. Pero hindi nagtagal dahil nawala ako tapos nawala din siya. Hindi kasi kami nagkatagpo. Ang nasa isip ko kasi noon kapag nakita niya ako baka magbago siya ng pakikitungo. Kaya inunahan ko na walang patutunguhan. Mas mabuti pa na lumayo.

Tapos ngayon bumalik ako dahil gusto ko siya maging kaibigan. Baka this time we'll be friends na.

Hi, Jason! :-) 
Message ko sa kanya last February 27
Seen on March 4

Hindi siya nagreply.
Sira kasi ako.
Akala ko kasi.

Normal ba yun? Ganun lang talaga siguro kapag interesado ka sa isang tao tapos hindi naman siya interesado na makilala ka.

Monday, February 18, 2013

Celyn

IDLIP
- ingles: nap, doze, snooze, catnap
- literal na tulog-pusa o tulog-manok
- ang pagtulog ng magaan o maikli ng ilang sandali
- hilaw o maikling tulog

Last week naglakwatsa kami sa San Beda kasama ang aking mga kakosa. Sumakay kami ng bus papuntang Manila. Probinsyana lang. :-) 

Napansin ko ang isang kolehiyala na sumakay. Tumabi siya sa akin dahil nakita niya siguro na medyo marami na ang nakaupo sa bandang likod ng bus.

Ilang segundo ang nakakaraan, may tumawag sa kanya. Dahil katabi ko siya narinig ko na tinawag niya na "Beh" ang kausap niya. Kung ano ang kanilang pinag-usapan, it's none of my business. Hindi ko na inalintana ang kanilang pag-uusap dahil nakatingin ako sa labas ng bintana ng bus (mtv lang! hehe!).

Dahil medyo matagal ang biyahe medyo nakatulog si Ate. Napasandal siya ng konti sa aking balikat. Hanggang sa parang close kami ni Ate. Nagulat ako at kinalabit ang kaibigan ko na si Tina. Noong una hindi niya ako naintindihan pero inulit ko at bigla kong tinuro si Ate. Natawa si Tina kay Ate at sa aking reaksyon. 

Ginalaw-galaw ko ng pa-simple ang balikat ko. Walang epekto. Inaayos niya pa ang ulo niya. Wow Ate! 

Katapat lang ng upuan namin ang iba pa namin na mga kasama. Akala ko magigising si Ate dahil nagtatawanan kami. Dedma si Ate. 

Pero seryoso na. Mabigat na ang ulo ni Ate. Masakit na sa balikat.

Me: Miss, Miss gising ka na. (with low tone voice at pagkalabit sa braso, literal na paggising sa taong natutulog)

Walang epekto..isa pa.

Me: Miss, Miss gising. (medyo malakas na ang aking boses..baka sakali)

BOOM. Walang parin epekto.

Me: CELYN, gumising ka na! (hindi niya totoong pangalan dahil hindi ko naman siya kilala)

SOSYAL..wala parin epekto.

Nagkwentuhan. Nagtawanan. Nagkulitan. Wala epekto kay Ate. Kulang nalang sampalin ko para magising..Joke lang. :-)

Me: Baka may thesis 'to kaya puyat. 

Tina: Hindi, working student yan. 

Sabay tawanan.

Ginalaw ko ng todo ang balikat. Sa wakas after 10 years nagising si Ate. At parang wala lang nangyari. Hindi siya nagulat. Pumungas-pungas at inayos ang buhok. Kaloka si Ate.

After few minutes may tumawag sa kanya.

Sabi niya "Hello, sorry Beh nakaidlip lang ako sandali."

HUH?!!! 

Nakaidlip ka lang pero ginawa mong unan ang balikat ko. 

Si Ate talaga patawa, sarap sabunutan long hair pa naman. Haha! :-)

By the way, eto pala si Ate aka Celyn (left side). Actually, ginaya ko siya sa picture na 'to yung kasalukuyan na ang hirap niya gisingin. 


Hindi ko naman siya inaway. Muntik lang. Joke! Hehe!

'Til next kwento. Ingat! :-)

Sunday, February 17, 2013

Peach and Blue

It's Sunday Morning.
Again, here's my outfit of the day. :-)

Pleated Dress from Genevieve
Accessories from Jewel and Bayo
Flats from Greenhills


'Til next time.
Have a blessed day! :-)

Monday, January 28, 2013

Confessions to Gilbert

What is this I'm feeling, I just can't explain
When you're near, I'm just not the same
I'm tryin' to hide it, try not to show it.
It's crazy, how could it be...


From Multiply, Friendster, YM to Facebook naging dakilang researcher ako. Pati radio station ginamit ko para ma-greet ka lang. Kulang nalang i-flames ko ang pangalan natin dalawa. Hindi ko na matandaan kung ginawa ko eh. Pati si Mr. Kupido dinamay ko sa kabaliwan ko. :-)

Then nanghatak pa ako ng mga kasabwat sa buhay pag-ibig kong ito. Tulad nalang ng sumusunod:
- Pinilit ko ang isang batalyon (exaggerated!) para puntahan namin ang bahay nyo. Nagkamali pa ako sa location akala ko dun sa lugar na 'yon ang bahay nyo. But it's ok kasi pwede naman magtanong within the vicinity parin naman kaya napuntahan din namin. Ah dito pala. Sandali lang bababa po ako para kumatok. Nagulat sila akala nila gagawin ko. Joke lang sabi ko. :-)
- Once or twice a year (haha!) may pinapatawag ako sa opisina ninyo through her cellphone (para loudspeaker) just to let me hear your voice. Hindi kasi kita kayang kausapin baka ma-obvious masira ang plano.
- Sa isang event may nag-stolen shot sa'yo pero syempre hindi ako. Kaya lang sayang close-up pa naman. Na-delete nang hindi inaasahan. Pero nagkaroon ulit ng second chance kaya lang blurred.      
Oh-my-goodness. Ilan lang yan sa mga natatandaan ko hindi ko na matandaan kung ano pa yung iba kong kalokohan. Haha! 

Thank you my ever dearest PARTIDO. You know who you are. Such craziness. :-)


So what's my point?

Here it goes...
If a person wants to be a part of your life 
they will make an obvious effort to do so. 
Don’t bother reserving a space in your heart 
for people who do not make an effort to stay.


Finally, after almost four long years.

Seasons change and time erases the tears. I remember the boy but I don't remember the feeling anymore. Effect siguro ng anesthesia na dumaloy sa ugat papunta puso ko. Whatever. Haha! 

Sa haba ng tinakbo ko. Eto na yung tinatawag na finish line. Hanggang dito nalang talaga. Alam ko madaming beses ko na nabanggit sa blog na 'to (redundant na nga). Pero this time it's REAL. No alibis. No grudges. No bitterness. No what if's. No if only's. No worries. No expectations. Just acceptance that it happens for a reason. I don't have any regrets just lessons learned. Move on and let go. :-)

Life is beautiful indeed.  

I'm happy.

By the way,

It's not about who put you down and made you feel bad, 
it's about who made you SMILE again.


PRAY it works. Thank you po, Papa God! :-)

Tuesday, January 22, 2013

Plaid and Floral

This is just a quick post to share with you some of my outfit of the day. :-)


T.G.I.S
Thank God It's Sabado

Polo Blouse from Lhasa
Jeans from Herbench
Flat Shoes from Greenhills




Sunday Morning

Floral Dress from Market! Market!
Leggings from Mama :-)
Flat Shoes from Market! Market!
Fedora Hat from Aldo (Christmas gift from Jackie)


Well, 'til next time! Have a great day! :-)

Tuesday, January 8, 2013