Wednesday, September 19, 2012

Kwentong Kahit Ano

REGALO

Nakatanggap ako ng regalo mula kay Ate at Mama ngayong buwan na 'to. Hindi ko alam kung matatawag ko na Birthday gift or Christmas gift. Maaga para sa parehong okasyon. Mabait kasi ako kaya binigyan ako ng regalo. Haha!

meet my Rilakkuma pillow
antukin kasi ako kaya binigyan ako ni Ate ng unan..haha!
galing naman kay Mama!
addict kasi ako kay mickey at minnie mouse
Maraming salamat kay Ate at kay Mama. Sobrang nagustuhan ko ang kanilang mga regalo. :-)

TUHOD

Wala po kasi ako maisip na titulo para sa kwento na 'to. 

Malakas na naman ang ulan. Mabuti nalang girl scout ako dahil bukod sa may dala akong payong, may baon din akong tsinelas kaya pinalitan ko ang aking black shoes. Mabuti nalang may kasabay ako pauwi medyo gabi narin kasi.

Mabuti nalang medyo tumila na ang ulan.  Habang naglalakad, nag-uusap kami ni Ma'am Leh. Minsan nalang kasi kami magkasabay sa pag-uwi dahil mas madalas mas nauuna siya kaysa sa akin. Lakad sabay kwentuhan. Nang biglang...BLAG! Bigla akong nadulas. Nagulat si Ma'am Leh. Hindi ako nakatayo agad dahil sa masakit kong tuhod. Nagtanong si Ma'am Leh kung kaya ko pa maglakad. Sinabi ko nalang, "Opo, kaya ko po!" Mabuti nalang wala na masyadong tao dahil gabi na. Kahit medyo paika akong naglakad natatawa nalang ako sa sarili. Hindi ko alam parang cheering squad lang yung pagkakadulas ko. Haha! Kalowka!

Pagdating sa bahay tiningnan ko kaagad kung may sugat o pasa. Clear naman! Wala kahit anong marka! Pero masakit parang manhid na nga. Pagkalipas ng ilang araw...eto ang naging resulta ng aking  pagkasemplang.

Galeng! Hanggang ngayon may kulay ube parin ako sa tuhod! :-)
Next time..be careful. Haha! 

JEEP

Mabilis lang 'tong kwento na 'to parang kasing bilis ng pagkakadulas ko sa kalsada. :-)

Dumaan muna ako ng 7 Eleven para bumili ng alcohol at conditioner..wala kasi akong barya para sa pamasahe ko sa jeep...wow sosyal nagpabarya sa 7 Eleven pa. Isama na din ang yema dahil humirit ang kahera dahil wala din silang pangsukli. Haha! 

Pasakay na ako sa jeep, muntik pa akong iwan ni Manong dahil hindi yata ako napansin na sasakay. Sumigaw nalang ako, "Sandali lang po." Huminto ang jeep. May nakasabay akong sumakay. Nagbayad na ako at napatingin ako sa kasabay ko. Gwapo pala si Kuya. Sakto napatingin din siya. Yun oh! Syempre deadma lang. Nakatingin parin si kuya. Sabi ko sa sarili, ano kayang problema nito? 'wag mo ko tingnan ng ganyan kuya baka sapakin kita.

Tumingin ako ulit kay kuya pero nakatingin parin siya, sabay sabi ni kuya, "Ma, bayad po." Sabay nagpaabot sa akin ng pambayad. Lechugas mag-aabot ka lang pala ng fare mo. Akala ko crush ako ni kuya. Haha! Gusto ko na matawa kasi feelingera naman ang ateng. Pinigil ko talaga yung tawa ko hanggang sa makababa ako ng jeep. Eto ang tinatawag na maling akala. Napakanta nalang ako sa isip ko ng Limang Dipang Tao...

Sorry kuya, akala ko nagpapacute ka. 
Sorry kuya, pasensya ka na. 
Sorry na sabi, sorry na sabi, sorry napagkamalan ka.

Para mama, dito nalang, bababa na ako. 
Para na sabi, para na sabi, para nalang sa tabi.

Okay lang yan! Hindi naman alam ni kuya. Haha! :-)

'Til next time. 

Mangangalap ulit ako ng mga kwento!

8 comments:

  1. Haha madalas din ako tumitig sa mga tao sa jip e. Malabo kasi mata ko at minsan inaakala kong kakilala ko ang isang tao. Na-dubbed na kasi akong suplado dahil hindi namamansin. Ang di nila alam, di ko lang sila makita. XD

    - Pareng Jay was here

    ReplyDelete
  2. ah okay! :-) nakakahiya nga e..assuming! haha!
    thanks for dropping by pareng jay!

    ReplyDelete
  3. Supercute nung pillow ang minnie mouse na gift sayo!

    ReplyDelete
  4. Ikaw na bata ka, nagpalit ka ba ng url?

    ReplyDelete
    Replies
    1. hi joanne! yes dear pero binalik ko parin sa previous url ko.

      Delete
  5. Hey beh, ni-tag kita sa blog ko for the Liebster award.. if you have time, please drop by! Mwah!

    ReplyDelete
    Replies
    1. thank you so much joanne! :) sorry for the late reply :(

      Delete