Sa isang hotel lobby magkausap kami ni Jacq. Sinabi ko na pupunta ka, kaya hindi nalang ako magpapakita sa event. Sinabi ko nalang na kapag nagkita kayo ngitian ka na lamang niya. Samantala, sa loob ng isang function hall. Nakaupo si Jacq habang inaayos ang kanyang damit nang makarinig siya ng usapan mula sa inyong grupo. Ang inyong pinag-uusapan ay ang nobya mo, narinig ni Jacq na sinabi mo na hindi na kayo nag-uusap at parang nagkakalabuan na kayo. Makalipas ang ilang sandali, nilapitan mo si Jacq. Nagulat si Jacq dahil bigla mo siyang kinausap:
Gilbert: Pinsan mo ba si Fatimah?
Jacq: Oo, bakit?
Gilbert: May gusto sana akong itanong?
Jacq: Ano yun?
Gilbert: (Nakangiting binanggit) Pwede ba makuha cellphone number niya?
Jacq: (Nagmamadaling kinuha ang kanyang cellphone) Okay, sige. Bilisan mo i-text mo na siya agad.
Gilbert: Oo i-text ko na siya.
Jacq: Ngayon na ha!
Gilbert: Oo, sige.
Kinilig naman ako habang kinukwento ni Jacq ang tagpong ito..sa PANAGINIP niya. Ang nasa isip ko nung mga oras na iyon, masaya ako kasi kahit sa panaginip naalala mo ako ng bongga (haha!). Pambihira, matagal-tagal ko na din hinihintay kung kailan mo tatanungin ang cell number ko, sa wakas, alam mo na (feeling!). Nakakatawa lang na kahit sa panaginip ng ibang tao, naglalakbay tayo. Ang tanong ko naman sa aking sarili, kamusta na kaya ang estado ng inyong relasyon? Kahit na single pa ang facebook status mo, alam ko mutual kayong dalawa. Bakit ko naman alam? Sa nagsusumigaw na wall post mo..(aha! sorry, tinitingnan ko kasi profile mo). Isa pa dahil napapansin ko lang kapag nakikita ko kayong dalawa sa simbahan. Baka isipin mo kasi sinusundan kita. Matagal-tagal na akong hindi nag-log in para maiwasan ang profile mo. Nag-uumpisa na akong mag-move on. Hindi na kita nababanggit sa tuwing magkausap kami ni Jacq. Nag-set din ng several gimmicks si Jacq kaya lang umuuwi ako ng bigo dahil sa pag-asang makatagpo ng iba (ngeh! ano ba yun?!). Hindi naman talaga yun ang intention, gusto lang nila na maiba ang environment ko (ayun naman pala!).
One of the greatest evidences that one's love is true is their willingness to wait patiently for the one they love.
Ngunit sa kabila ng pag-iwas naging madalas naman kitang nakikita at may pagkakataon pa na nagkatinginan tayo at biglang iiwas (walang kupas mula noon hanggang ngayon). Sabi ko sa sarili ko, parang nawala lahat ng plano ko na kalimutan ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit o ano ang dahilan bakit hanggang ngayon ikaw pa rin. Wala ka naman hakbang na ginagawa at hindi mo pa rin ako napapansin kahit nagkakasalubong tayo. Tapos ngayon, ang panaginip ni Jacq. Mabuti pa sa panaginip nagpaparamdam ka. Masyado naman yata akong kinilig (nakakainis!). Isa lang ang ibig sabihin, hanggang ngayon crush parin kita (nakakaiyak!). Panahon nalang ang makakapagsabi kung hanggang kailan (ganun ba yun!). Kung pwede lang kumatok sa puso mo ginawa ko na, pero paano ako kakatok kung alam ko naman na nakalaan sa iba. Mas magandang gawin, uupo nalang ako at maghihintay. Pambihira ka talaga Gilbert!
No comments:
Post a Comment