Tuesday, October 11, 2011

Desktop

Nakakatuwang isipin na nakalikha ako ng aking sariling blog. Nagsimula lang ito sa simpleng pagsulat ng aking nakatagong damdamin hanggang sa nadagdagan ng mangilan-ngilan. Hindi ko alam kung may nakakabasa ba nito o wala. Hindi na mahalaga basta para sa akin nagkakaroon ako ng karapatan na maging malaya sa aking damdamin. Depende sa aking mood kung kailan ko maisipan na magsulat. May mga pagkakataon din na parang ang dami kong gustong sabihin ngunit kapag nasa harap na ako ng computer tila nawawala o nabubura lahat ng mga ito. Marahil naiiba na kasi ang timpla ng aking isipan sa pagsusulat. May oras naman na pag-upo pa lang ay nakatala agad sa utak ko ang mga bagay-bagay na gusto kong ipahayag. Sa pamamagitan ng aking pagsusulat, ang mga salitang bigla na lamang dumidikta sa aking isipan ay aking nababanggit, ang emosyon na gusto kong ipagsigawan ay naririnig at ang mga pagkakataon sa aking buhay na nagpapatibay sa akin ay nagsisilbing nakalimbag na aral. Nakakagaan ng pakiramdam ang pagsusulat. Sa kahit anong paraan pero dahil narin sa makabagong teknolohiya maaari na itong gawin hindi lamang sa pamamagitan ng sulat-kamay. Ang desktop computer ang nagsisilbing pluma at papel ko sa makabagong paraan. 

Sa paglipas ng panahon, eto parin ako patuloy na nag-iisip ng titulo na maaaring ilagay sa paksa ng aking buhay blogger..

No comments:

Post a Comment