Next month will be my birthday month na (oh my!)..samu't saring emosyon din ang sumasagi sa aking puso at isipan (arte-arte naman..hehe!). Anyway, kapag birthday kaakibat nito ang mga regalo..yes na yes! Ano bang mga bagay ang gusto ko matanggap sa aking kaarawan? Isang magandang tanong at dahil dyan mayroon akong magandang sagot. Ilan dito ay ang mga sumusunod: (in no particular order..naks!)
Bulaklak - Tama! Hindi ko minimithi ang flower bouquet na binili pa sa sosyal na flower shop. Sapat na sa akin ang isang bulaklak (gumamela, sampaguita, bougainvillea) kahit pinitas pa ito sa bakuran ng kapitbahay inyong bahay..masaya na ako sa pamamagitan nito.
Tsokolate - Wow! Sino ba naman ang hindi magkakainteres sa tsokolate. Sus naman! Paborito ko ang mga imported na tsokolate pero kahit lokal pa man...akin na yan!
Keyk - Pwede ba naman mawala yan. :-) Kahit cupcake with candle on top..touched nako nun!
Sulat - Hindi mo kailangan bumili ng kard sa National Bookstore, Papemelroti at kung saan pa na gift shops. Mas tumatagos sa aking puso ang sariling-gawa at sulat-kamay dahil ang bawat salita nito ay naglalaman ng mas totoong emosyon ng isang tao. Mula sa isang kaibigan, kapamilya o kaya naman mula sa nagpapatibok ng puso ko (ngeh!).
Unan - Kahit simple lang basta comfortable. Yung madadala ko everytime mayroon akong lakwatsa o para sa mahabang biyahe. :-)
Cardigan - Eto kasi ang sariling fashion staple ko (nakanaman!). Hindi naman ako sumusunod kung hip ang isang damit lalo na kung hindi naman ito nababagay sa akin. Para sa akin kapag comfy at bagay naman, I'll buy it for myself. Matagal-tagal narin ako hindi nakakabili ng cardigan kasi kapag walang pasok sa trabaho mas gusto ko pa na mag-stay sa bahay. Kapag pumupunta naman ako sa mall madalas hindi ako makahanap.
Sa totoo lang wala naman sa akin kung maliit o malaking bagay ang regalo at kung mahal o mura. Ang mahalaga para sa akin ay yung maalala ako...priceless! Para sa akin yung simpleng pagbati sa kahit anong paraan ay lubos kong ikakasiya at ipagpapasalamat. :-)

No comments:
Post a Comment