Nagsuggest lang si Jacq kung gusto ko magcelebrate with them sa Republiq. The first thing came out to my mind..a good suggestion para maiba naman ang environment ko. I'm not getting any younger anymore. I said YES kasi I want to experience life outside my shell. May friend siya na organizer so budget wise din naman. I told it to Mama and my siblings. They've agreed naman sabi ko standing lang then dance (as in party!). Natuwa naman ako kasi pinayagan ako. Actually I bought my dress na pati shoes. I also prepared enough budget. Sabi din ni Mama bibigyan niya din ako ng budget. I told to myself I'd rather save it kasi may hinanda naman ako. In other words hindi ko masyadong pinaghandaan at hindi ako excited..Haha! :-)
Nagsabi si RJ na hindi na siya makakasama kasi he'll get tired..need pa kasi niya magdrive on the following day after my birthday. Last time kasi na we attended a Halloween Costume Party hindi niya daw kaya yung puyat kaya hindi nalang siya sasama. Sinabi sa akin ni Mama na pupunta kami ng Tagaytay the day after my birthday. Family bonding masaya yun. Ihahatid lang kami ni RJ sa house nila Jacq then uwi na siya. No problem kasi inisip ko din naman si RJ.
On the evening of November 3, kausap ko si Jacq online thru FB para mafinalize kung sino ang kasama. Then okay na. Then nilapitan ako ni Mama at may inabot na envelope then sabi niya..happy birthday, anak! Mama, thank you po. Sabay yakap. I was touched kasi pumayag si Mama na pumunta ako sa Republiq. Dumating si Ate Len galing sa work then nag-usap sila ni Mama. On the flow of their conversation napunta ang usapan sa Republiq. Hanggang sa makarinig ako ng comments na sa tingin ko hindi na matutuloy. Hanggang sa nagagalit na sila pareho sa akin. I won't go into details pero hindi nga ako nagkamali hindi na nila ako pinayagan. Nakatingin nalang ako sa kanila. Naiintindihan ko naman sila kasi concern sila sa health ko pero parang gusto sumabog ng puso ko. Though they have valid reasons pero parang gusto ko nalang iuntog yung ulo ko sa pader. I didn't expect it would turned out that way.
I had a health history of congenital heart disease. I underwent an open-heart surgery when I was a child. Recently after 18 years, I was advised by my cardiologist to undergo an operation for the second time. Pero nararamdaman ko naman na sobrang okay ako (God is good, all the time!). I've decided na hindi na kasi naman I'm definitely fine.
Further, tama sila, pinipilit ko maging normal kahit cyborg ako. :-)
Lahat ng mga ito muling nanumbalik sa aking isipan. Isa akong mahina. Lumabas ako sandali nang matapos ang kanilang pag-uusap. Naabsorb ko naman lahat ng sinabi ni Mama at Ate pero I felt bad. Napanatili ko lang na okay ako. Hanggang sa nilapitan ako ni Mama..Anak, huwag ka magtatampo. Humarap ako kay Mama tapos sinabi ko, Ma, napapagod na po ako. Tapos umiyak na ako. (Pangarap ko kasi mag MMK..Haha!) Tapos nag-usap kami ni Mama. Sinabi ko sa kanya na okay lang po ako. Naiintindihan ko po kayo. Ayoko na mag-isip sila kung ano yung nararamdaman ko. Hindi ako nakatulog ng isang gabi at palihim akong umiiyak kinabukasan. Alam ko sa sarili ko na kaya ko. Pero tama sila Mama at Ate..kailangan ko pangalagaan ang sarili ko. Nilalabas ko nalang yung sama ng loob sa pamamagitan ng iyak at least wala ako masasaktan. Umiiyak ako kasi iniisip ko na naman yung kalagayan ng sarili ko. Tapos hindi na natuloy, saan ko isusuot yung dress..Haha! Excited pa naman ako sa pormahan ko..Haha! Tanggap ko naman hindi ako bagay sa Republiq dahil sa kalagayan ko. Masayahin akong tao, magulo, maingay. Pero KJ nga lang ang puso ko. :-)

Kagabi nagtatanong si Ate, Kamusta ka na? Tahimik lang ako hindi ako nagsalita. Anong plano nyo ni Jacq? Kibit-balikat ang tinugon ko. Hindi parin ako nagsasalita. Bakit ganyan ka parin? Kung kaya mo pumunta sige na. Sabi ko naman sa sarili ko, cancelled na nga diba..nasaktan narin ako. Hindi na kailangan. Oo, nagiging selfish ako kasi iniisip ko lang yung nararamdaman ko. Umiiral yung pagtatampo sa dibdib ko. Pero hindi ko kaya magpakita ng sama ng loob sa kanila kasi wala ako sa punto. Sa pamamagitan nalang ng pagiging tahimik alam ko mauunawaan din nila ako. Ang sabi ko nga sa sarili ko, mas hindi ko kakayanin kapag sila yung tuluyang nagalit. Okay lang na naramdaman ko yung ganito pero yung sila yung masaktan ko at magalit sa akin..hindi ko kaya. Mahal ko sila kasi ipinagkaloob sila ni Papa God sa akin. I am blessed to have them in my life. Sorry po Papa God sa sama ng loob na naramdaman ko. Hindi na po magiging matigas ang ulo ko. Sorry Mama, Ate Len at RJ. Mahal ko kayo. :-)
Happy birthday to myself...
Well, sabi nga ni Ted Failon at Korina Sanchez...lilipas din yan :-)
Pahabol:
Nag-dinner date nalang kami ni Jacq with her boyfriend, Phat. Then kwentuhan with new friends sa isang cafe. We planned to have family bonding tomorrow sa Tagaytay. Tahimik pero masayang celebration. Thank you Lord for another year. :-)

No comments:
Post a Comment