Three years and counting...
More than three years na kitang crush. Sa bawat taon sinasabi ko din sa sarili ko, "Tama na. Hindi ka naman niya pinapansin at sino ka ba para mapansin niya." Samakatuwid, ilang beses ko din gusto mag move on kaya lang hindi naman natutuloy.
Ang hirap mo naman makalimutan kahit wala naman tayong pinagsamahan. Hindi tayo magkaibigan o magkakilala. Hindi na tama kasi nakakalimutan ko na yung sarili ko sa kakahabol sa'yo. Kahit kailan hindi ako umasa na magugustuhan mo ako kasi hindi naman ako bagay sa'yo. Yung masulyapan ka lang, yung makita ka lang kahit nakatalikod..masaya na ako. Sa tuwing naiinlove ka hindi mo alam ipinagdadasal ko na maging masaya ka kahit alam ko na hindi ako yung mahal mo. Aaminin ko naiiyak ako sa tuwing mababalitaan ko pero wala kasi akong choice. Wala nang iba kundi ang iwasan ka. Ang mahalaga naman masaya ka na. Kaya lang hindi ko mapigilan ang masaktan. Sa bawat pag-ibig na dumadating sa buhay mo hanggang sa nalalaman ko na hindi na kayo o nauuwi sa paghihiwalay...gusto ko malaman kung ano ang dahilan..anong nangyari sa lovelife mo. Hindi ako nagsawa sa tatlong taon nang pagsubaybay...para kang isang libro. Hindi ako napapagod basahin ang bawat kabanata ng buhay mo. Kinikilig, natatawa, nalulungkot, umiiyak, naiinis, napapaisip, nagtataka, natutulala. Eto ang mga ilan sa mga samu't saring emosyon ko sa tatlong taon.
Mahal na ba kita? Hindi ko alam ang sagot sa tanong. Ewan. Siguro nga. Parati akong nagbibiro na sana tayo nalang..kaya lang imposible yun eh. Sana ako nalang minahal mo..kaya lang malabo yun. Mahirap turuan ang damdamin ng isang tao. Naiintindihan ko naman. Parati kong naiintindihan. Nalaman ko may bago kang pag-ibig. Eto naman talaga ang hiling ko para sa'yo kaya dapat maging masaya ako kahit umiiyak ako ngayon habang ginagawa ang blog na ito. Minahal mo siya kaya ibig sabihin may natatangi siyang katangian.

Hindi narin kita masyadong nakikita..mali pala..totally hindi na..three or four months narin yata. Huwag kang mag-alala hindi naman tayo pinagtatagpo kahit anong gawin kong paraan. Sa pagkakataong ito, gusto ko narin magpahinga sa pagmamahal ko sa'yo. Napapagod din pala ako. Hanggang dito nalang ang secret admirer mo.
Ingat ka! God bless! :-)
Ouch.. Bakit di mo man lang pinaalam yun nararamdaman mo sa kanya?Sabagay, mahirap din yun.. Ang love talaga parang life lang, magulo, may ups and downs.. pero masarap at masaya.. Well, sana dumating na sa atin ang taong magmamahal saten.. Smile lang dear!
ReplyDeleteI agree.
DeleteThank you Joanne!
Take care and be blessed! :-)