Friday, July 6, 2012

Kalendaryo

At the age of twenty-nine feeling ko sa sarili ko parang kailangan ko na yata magpa-appointment kay Dra. Bello o Dr. Calayan. (Chos!) Eh kasi naman grabe ang mga nakakasalamuha ko na mga mamamayan ng ating bansa. Parang gusto ko nalang iuntog yung ulo ko sa pader. Eto ang mga ilan sa pangyayari sa buhay ko na tumatatak sa aking isipan:

Unang Sitwasyon

Sa SM - Kasama ko ang aking sampung taong gulang na pamangkin napadaan kami sa perfume kiosk.

Saleslady: Good afternoon, Ma'am!
Me: Good afternoon (with a smile)

And then while testing to myself the perfume/cologne line sample nila, nagsuggest si Ms. Saleslady.

Saleslady: Ma'am mabango po yung scent na yan.
Me: Yes, mild lang yung scent.

I was about to buy the product and then suddenly..

Saleslady: Para po ba sa anak nyo? (Pointing to my niece)

I smiled at her kahit nagulat at parang gusto ibato ang hawak ko na bottle...

Me: Hindi Miss, hindi ko po siya anak and para sa akin yung perfume.

Saleslady: Ilan taon na po yung anak nyo? 

I don't know if hindi niya ba narinig or ewan lang! Actually narinig ni Isabel yung convo natawa nga siya.

But still smile parin with a lower tone voice...

Me: Miss, wala pa akong anak. Hindi ko din siya anak, pamangkin ko siya (pointing to Isabel). I'm still single. Wala pa akong asawa. (Hahaha! Saan ka pa?! Bwisit!)

Saleslady: Ah akala ko kasi anak mo siya (Paulit-ulit hindi nalang mag-apologize.)

 I gave her a big smile..then I returned the product

Me: Sige Miss, thank you nalang ha.

Actually, biglang nabago yung face ng saleslady. As in nakasimangot siya nung nalaman niya na in the end hindi ko na bibilhin yung product. Pasensya na Ms. Saleslady, I'm quite offended (Peace!). Anyway I showed courtesy parin naman diba. :-) I smiled when I turned my back. Then sabi ni Isabel (pabulong) "Mimi alam ko kung bakit hindi mo binili yung perfurme." Sabay ngiti. :-)


Ikalawang Sitwasyon

Sa house ng girlfriend ng pinsan ko. Sinamahan ko ang Tito ko (kapatid ni Mama) together with my cousin and our family friend Ma'am Leh para mamanhikan:

Nanay ni Girlfriend: Good afternoon, tuloy po kayo.
Me and Ma'am Leh: Good afternoon din po. (close-up smile ang peg)
Nanay ni Girlfriend: Upo po kayo. Ano po ang sa atin? (very accommodating ang tinig) 
Tito: Nandito po kami para hingin ang kamay ng anak nyo. Para mapag-usapan din po ang tungkol sa kanilang pagpapakasal

Naks naman! natulala naman ako sa mga katagang nabanggit.

Nanay ni Girlfriend: Ah wala pong problema nasa tamang edad na naman po sila. Kayo po ang nanay? (pointing to ME!)

Me: (muntik na akong mag-tumbling! pambihira!) Huh?! HINDI PO! pinsan ko lang po siya.(nagsisi tuloy ako kung bakit sumama pa ako dito!)

Nanay ni Girlfriend: Naku, pasensya na po. Hindi ko sinasadya. Akala ko kasi Mama ka niya. Pasensya na. (bakit kaya paulit-ulit na sinasabi?)

Me: Hindi po. 29 years old lang po ako. (Uh, grabe talaga!)

Natapos naman ng maayos ang naging usapan ng dalawang partido. Pagkatapos ng simpleng hapunan. Umuwi narin kami. Pero hindi ko makakalimutan na napagkamalan akong nanay ng 27 years old kong pinsan. Pambihira!


Ikatlong Sitwasyon

Sa office - may dumating na new collector ng monthly dues. Hyper Grannie ang collector. Sobrang daming kwento. Mapapalaban ka. :-)

Grannie: Hi Ma'am Good afternoon! (High Tone Voice - Retired Principal pala siya ng public school kaya parang nasa class lang kung mag-approach)
Ms. Tina: Good afternoon po. Ano po ang sa atin?
Grannie: Ma'am regarding po sa monthly dues... (madami siyang inexplain so on and so forth)
Ms. Tina: Okay sige po magsettle po kami pero may concern din po kasi kami (inexplain ni Ms. Tina yung concern namin)
Grannie: Very good, Ma'am. Huwag po kayo mag-alala makakarating po yung concern ninyo. (Biglang napatingin sa akin..)
Grannie (referring to me): Ma'am parang nakita na kita.
Me: Baka po kasi nagkasalubong na po tayo.
Grannie: Ah siguro nga po.

Habang gumagawa si Hyper Grannie ng resibo kausap niya si Ms. Tina. Medyo matagal pa sila nag-usap. Shortcut nalang ang gagawin ko. :-)

Grannie: Ma'am Tina, dalaga ka pa noh.
Ms. Tina: Naku, hindi po.
Grannie: Ah ganun po parang teenager ka lang. May anak ka narin?
Ms. Tina: Opo, meron na po.
Grannie: Ah si Ma'am (referring again to me) hindi na kailangan tanungin 
Me: (Dahil may ginagawa ako napatingin lang ako..) po?
Grannie: Siguro nasa 35 years old ka na?
Me: (Nananahimik ako dito Nay! Hehe!) Hindi po. 29 years old po ako.
Grannie: Naku sorry talaga sorry..kung naano kita. Napagkamalan kita. Ah 29 years old ka lang. Sorry talaga.
Me: (Smile nalang!)

Humingi naman po ng paumanhin si Hyper Grannie pero ouch parin! Tumagos sa puso kong cyborg. Hehehe! :-)

Tumatakbo ang oras naiiwan na akong panahon. Di na nagbago bawat araw, pare-pareho, parang kahapon. - Tumatakbo by Mojofly 

Yes, time flies so fast. It's inevitable. Kahit anong mangyari patuloy parin ang paglipas ng araw, buwan at taon ng aking Kalendaryo. Alam ko naman, I'm not getting any younger narin. Nasa late-20s narin ako. Madalas hindi talaga maiiwasan yung mga ganitong opinyon ng tao. People may think I'm older than I really am. It depends how can I handle the situation. Just simply LOVE yourself, no matter what others say. :-)

2 comments:

  1. Natawa ko sa mga kwento mo at bigla akong naghanap ng face pictures mo. hahaha!

    anyway, magkabaliktaran naman tayo. Ako, laging napagkakamalang bata, high school or fresh graduate kahit 25 years old na ko. Maybe what you have to do is reinvent yourself. Change your hairstyle, your outfit, and a bit of your attitude.

    konting kembot lang, tatlong split at limang kandirit, pasok na sa banga ang baby face aura mo pag sinunod mo ang payo ko. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. wow! thanks for your piece/s of advice supladong office boy. your last line made me laugh. haha!
      take care and God bless! :-)

      Delete