Sunday, May 29, 2011

Kahit Isang Saglit

Matagal-tagal narin na hindi kita nakita..masaya ako sa pagkakataon na ito.  Natatawa nalang ako sa sarili ko, madaming beses ko nang sinasabi sa ibang tao pati narin sa sarili ko hindi na talaga..pero kapag nakita naman kita, nakakalimutan ko yata na hindi na kita crush. (Baliw!)  Mas maganda siguro kung hindi nalang ako magsasalita..dito ko nalang bibigkasin ang mga gusto ko sabihin.  May iba din naman akong naging inspirasyon kaya lang lahat sila..mas complicated pa sa'yo..na-meet ko nga pero mas hindi dapat maging crush.  Ikaw, ano bang meron sa'yo.  Kilala kita pero hindi naman ako stalker.  Kilala kita pero hindi naman yung buong pagkatao mo..ewan ko kung kilala mo ako bahala ka sa buhay mo.  Nasa social network ka kasi kaya I knew some few details about you.  Mula noon hanggang ngayon hindi ko inisip..na you'll also feel the same or sabihin na natin medyo mararamdaman ko pa lang pero binubura na agad ng utak ko. Magtatanong ka, bakit naman? or sasabihin mo nalang, mabuti naman alam mo. Kasi naman maganda, mabait, sweet yung girl na iniibig mo..ano ba naman!  Bagay na bagay pa kayong dalawa.  Yung tipong paano naman ako pipila sa taong 'to. Insecure..hindi naman..mahal ko naman ang aking sarili.  Never ako nag-isip na maging katulad niya kasi we're totally different. Kumbaga siya a pair of stilleto, ako naman a pair of tsinelas. Ganun lang ka-simple. Tanggap ko lang kung hanggang saan ang patutunguhan ng damdamin kong ito..tanggap ko lang na hindi tayo at walang tayo. Mahirap kasi mag-expect.  Usually kapag may hinahangaan kasi tayo..kaalinsabay nun kapag may kilig moments you'll expect that there will be something. Yung tipong HE maybe likes HER. Pero sa situation natin dalawa..hindi ganun ang nangyari kasi ipinakita mo naman na hindi mo ako gusto kaya siguro walang expectation.  One more thing, age does matter..I'm old enough for you. You're only in your early 20's and I'm already in my late 20's..see the difference. Sabi nila, age doesn't matter but for me..it really does, most especially kapag girl yung much older. Sa lahat yata ng pisikal na bagay-bagay we're different...sa height at sa kulay ng balat. Hindi pa din kita gaanong kilala. Yung nalalaman ko tungkol sa'yo maliit na bagay lang yun. Hindi ko alam kung magkakasundo tayo o magtatagpo tayo ng ugali.

Sabi nila dapat ipinagdadasal ang love life na parang isang hiling. Ipinagdadasal naman kita..pero hindi para maging akin dahil tanging Diyos lang ang nakakaalam kung sino ang para sa akin at para sa'yo. Ang ipinagdadasal ko lang, pareho tayo maging masaya at magkaroon ng inner peace. :-)

Bumalik na tayo sa tunay na paksa..masyado nang lumawig ang usapan. Mabuti naman kanina hindi ka umiwas. Palihim pa akong tumingin..ayun nag-serve siya. Mukhang may pimples ka ngayon..pero gwapo ka parin. Ibang klase ka talaga. Sabi ko sa sarili ko panigurado dun ka sa likod mag-assist during communion kasi nandito ako sa bandang harapan. Akalain mo..tama ako. Haha!  Habang nagsasalita si Fr. Narsing para sa ilang patalastas..kinabahan ako at medyo nanginig yung kamay ko. Kaya ang ginawa ko nag-close open ako para mawala yung kaba ng kamay ko..huh?! Oo ganun ako..kapag kinakabahan..nakikita sa kamay.  Tapos nung naka-close ang palad ko...bigla akong napatingin sa bandang kanan medyo may kalayuan pero alam ko ikaw yun. Parang sinadya dahil saktong pagtingin ko ikaw agad ang nakita ko malay ko ba, hirap mo kayang hanapin. Nakita kita na nakatayo at sandali nakatingin ka ba?  Hindi ako sigurado..pero hindi ko inalintana dahil ang sabi ko sarili ko minsan ko lang siya makita kahit ilang segundo lang bahala na.  Makalipas ang limang segundo muli kong ibinaling ang aking tingin sa aking kamay. Napangiti mo na naman ako. Hanggang dito lang siguro tayong dalawa. Maraming salamat. :-)

No comments:

Post a Comment