Saturday, September 3, 2011

Sign Seeker

Napanaginipan na naman kita, Gilbert. Hindi na kita nakikita sa loob ng tatlong buwan. Hindi ko narin tinitingnan ang facebook mo. In other words, iniiwasan na kita makita at makakuha ng certain information about you. Habang tumatagal kasi napamahal ka na nang hindi ko namamalayan. Sa tingin ko, kailangan ko gawin dahil napapagod na ako. Hindi ko sinasadya pero nakalimutan ko na nga ang kaarawan mo.  Nalungkot ako pero sabi sa sarili ko mabuti narin ang nangyari. Kaya lang sinusubukan talaga ako ng tadhana.

Sabi sa panaginip, hinatid mo ako dito sa bahay kasama ang friend ko na si Cristina. Habang naglalakad magkakasabay nga tayo pero si Cristina lang ang kinakausap mo. Hindi ako nagseselos pero gusto ko lang malaman kung ano yung pinag-uusapan nyo. Nang makarating na dito sa bahay, pumanhik muna ako sandali at pumasok sa loob ng bahay. nakita ko si Jason..

Ako: Parang kilala kita..
Jason: Ganyan ka naman parating parang hindi mo kilala yung tao..

Nagtaka naman ako ng bongga kung bakit andun si Jason..at bakit niya nabanggit ang mga katagang iyon. Bumaba na ako sa hagdanan at patuloy ang pag-uusap ninyo ni Cristina.  Ang narinig ko nalang..

Gilbert: Sige basta tulungan mo ako sa kanya.
Cristina: Oo naman ako bahala.

Hinihintay kita magpaalam pero hindi ka na nagsalita umalis ka nalang.  Kinausap ko si Cristina.  Maganda ang ngiti niya na parang kinikilig magkuwento..

Ako: Anong pinag-uusapan nyo?
Cristina: Gusto mo ba malaman kung ano ang totoo? Naghihintay siya. Hindi niya kasi alam kung talagang may nararamdaman ka sa kanya.
Ako: Naghihintayan kami.  Hindi pa ba nakikita sa mga kilos ko.  Ano pa ba ang dapat kong gawin? Naghihintay siya?
Cristina: ..sa tamang panahon.

Hindi na ako nagsalita, may inabot si Cristina na papel..nakasulat dito yung mga katangian na gusto mo sa isang babae pati narin ang signs kung siya na ba talaga.

Sa totoo lang wala ako matandaan sa mga nakasulat..tanging isang description lang sa signs ang medyo natandaan ko.  Someone who likes stars and (circles). Not the exact words but it has the same meaning.

Habang binabasa ko ang nakasulat sa papel sinabi ko kay Cristina na bakit pinapabasa sa akin ang nakasulat dito. Kahit isang description na nakasulat dito..hindi ko nakikita sa sarili ko. Yung signs..eh di alam ko na. Mahilig ako sa heart shapes, yung mickey mouse ko nga na backpack hearts ang nakadrawing.  Hindi ko naman mababago ang sarili ko para lang magustuhan niya.

Hanggang sa bigla ako nagising. Sa paggising ko, iniisip ko yung stars and circles.  Tapos sabi ko sarili ko..sandali lang I have a soft spot sa moon and stars tapos habang gumagawa pa ako ng blog..pumasok sa isip ko ang STAR Wars, favorite movie ko yun.  Sige lang basta magkaroon ng connection.  Natawa nalang ako sa aking sarili.  Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng aking panaginip.  Basta ang sigurado ako, naging masaya ang gising ko dahil sa isang magandang panaginip. :-)

In life we all have an unspeakable secret, an irreversible regret, an unreachable dream and an unforgettable love.

No comments:

Post a Comment