Monday, December 16, 2013

Broken

Bakit ang hirap tanggapin na ayaw sa'yo ng isang tao? 

Kahit anong gawin ko palagi akong talo. Kahit humakbang ako palayo, ilang beses nanunumbalik na gusto ko parin siya kahit ayaw niya sa akin. Sobrang nakakainis. Sobrang nakakaasar. Wala naman siyang ginagawa para manumbalik na gusto ko parin siya sa paglipas ng panahon. 

Suntok sa buwan.

Sinasabi ko nga sa aking dasal, "Sana matagpuan niya na yung girlfriend niya. Matagpuan niya na po yung magpapangiti sa kanya, magmamahal at mamahalin niya. Yung taong kaya po siyang tanggapin at tinatanggap niya. Yung taong kaya po siyang intindihin at maiintindihan niya. Nahihiya po akong sabihin pero sana po ako nalang. Pero hindi niya po talaga ako pinapansin. Kahit anong gawin ko po."

Bitter.

Sana makaya ko na tanggapin na hindi ako ang girl na pinapangarap niya at harapin ang katotohanan na kahit kailan walang kaming dalawa.

Obvious na bitter ako. Hindi naman pwede sa Facebook ko ipangalandakan ang emosyon ko. Kaya dito nalang. Badtrip lang talaga.

Ang dami kong naiisip na tanong, tulad nalang nang:

Bakit hindi siya nagreply?
Bakit ayaw niya sa akin?
Bakit ang suplado niya?
Bakit hindi nalang niya i-click ang unfriend sa profile ko?

Magsalita ka naman! Sabihin mo naman kung ano yung tumatakbo sa isip mo. Paikot-ikot lang ang lahat.

Ang t*nga ko.

Hindi ako nararapat sa kanya dahil hindi ako yung magpapasaya sa kanya. Mahirap ipagpilitan ang sarili sa taong walang pakiramdam sa'yo, na tila nakasarado ang pintuan at bintana para sa'yo. 

Nakakapagod.

Madalas mayroon tayong mga dinadasal, na akala natin hindi sinasagot ng Diyos. Pero ang hindi natin alam may sagot na SIYA, maaaring nasa harapan o nasa paligid lang, pero hindi natin naririnig dahil sa ipinagpipilitan natin kung ano ang ating gusto mangyari.

We don't need to rush. If something's bound to happen, it will happen. In the right time, with the right person and for the best reason.

Sunday, August 4, 2013

Deactivated

After ng fourth message ko kay Jason. Syempre nagpadala pa ako ng mensahe ulit. Actually yung bawat mensahe bago ko ipadala with sign of the cross sabay click sa SEND. 


April 27
12:32 pm
Sorry makulit ako. akala ko kasi pwede ka kausapin pero until now wala ka naman reply.

May 2
9:11 pm
Hi ulit

May 12
3:06 pm
Happy Mother's Day to your Nanay! God bless!

May 24
8:00 pm
Sana magreply ka noh. Kaya lang imposible.

June 23
4:13 pm
Good afternoon. Jason question lang, friends ba tayo?


Nagcomment pa ako sa status niya na kahit online pala siya yung comment ko lang ang hindi niya pinansin. Sabi ko sa sarili ko, Oh my, grabe talaga. Utang na loob, tama na. Eh kasi naman hindi nga interesado sa'yo.

Hindi ko naman siya liligawan. Magkaibigan lang. Ano ba problema ng taong 'to. Eh sana una palang hindi nalang niya ako inaccept sa Facebook. Bwiset! 

Eh kasi naman ano bang requirements niya. Hindi yata ako pumasa. So malamang bagsak ako.

Lechugas na reasons yan, ano nga ba yan?! 

Hindi ko na siya maintindihan. Kahit friends siguro wala akong lugar. As simple as that.

Pero wala naman ako regrets sa ginawa ko. Darating ang panahon wala akong what ifs. Sa mga dahilan niya bahala na siya. 

Wrong move. Siguro nga.  

Iniwasan ko nalang siya para ilagay sa ayos ang lahat.

Deactivated ako for the meantime sa Facebook. 

Affected much? Oo. Malungkot dahil sa result ng actions ko. Charge to experience sabi nga nila.  

Life goes on.

Friday, April 26, 2013

PM: Seen and Ignored

Nag-follow up personal message ako kay Jason sa FB...


April 15 Monday 6:11 pm
Kamusta na?


Naghintay ako ng minuto, oras, hanggang sa ilang araw ang lumipas wala siyang sagot. Pero sige ok lang kahit na ang expectation ko sasagot siya kahit paano. Hindi naman kami close ever since the world begun. Sa palagay ko, hindi niya din ako kilala.

Eh dahil makulit talaga at matigas ang ulo ko...


April 21 Sunday 9:34 am
Bakit hindi ka nagreply?
Seen Sunday 11:54 am

April 22 Monday 2:59 pm
Uy ang suplado niya. :-)


Eh dahil sa dakilang suplado talaga, deadma parin si Jason. Yun lang. Sa pagkakataon na 'to natatawa nalang ako sa sarili lalo na kapag nagbibiruan kami ng mga kasama ko sa work. At the same time, nalungkot din. Sa palagay ko sobrang effort na ang ginawa ko tapos hindi man lang niya naisip o nagawa na magreply kahit isang tuldok o smiley. Pambihira naman. That's the consequence. 

Nakakainis naman pero I told myself...

"Hindi ka naman dapat mainis kasi in the first place it's your decision. He don't owe you an answer. He's just not that into you. Hindi siya interesado na makausap ka. Mas mabuti na hindi siya magreply para hindi magkaroon ng conversation." 

Ang NEGA naman. Hahaha!

I'm jumping again into conclusions/assumptions. Tsk! Tsk!

There's a lot of POSSIBLE reasons kung bakit wala siyang sagot.

Nagtataka lang ako dahil hanggang ngayon FB Friends parin kami. Pwede naman niya akong i-delete dahil actually siya naman yung nag-accept ng friend request from me (2 years ago).

Ewan! Haha!

'Til next time.  :-)

If you simply ignored the feeling, you would never know what might happen, and in many ways that was worse than finding out in the first place. Because if you were wrong, you could go forward in your life without ever looking back over your shoulder and wondering what might have been.

Monday, April 15, 2013

Si Jason

Si Jason.
Yun lang. 
Sige bye!
Walang kwentang post hindi ba. Yung tipong sasabihin mo ano kaya yun?!
Exactly! :-)











Hindi ko kasi alam kung paano ako magsisimulang ikwento siya. Yung feeling na gusto ko umpisahan na magsulat pero kapag nasa harap na ako ng laptop. BOOM! Anong isusulat ko?! Katulad ng kasalukuyang nangyayari ngayon. Nakakaasar! 

Ibang klase kasi ako magka-crush kulang nalang ligawan ko yung guy. Lahat ng bagay na gusto ko malaman sa kanya inaalam ko. Pero dahil sa ating nakagisnang kultura hindi ko naman siya kayang ligawan. Pero kung sakali man na pwede, huwag niya akong sasagutin. Dahil ako yung unang lumapit. Dahil ako yung unang gumawa ng paraan para magkakilala kami. Dahil babae ako. Dahil respeto nalang. Dahil kung may gusto siya talaga hindi niya ako hihintayin na gumawa ng paraan.

Ang weird ko diba. Sobra. :-)

Tama na yung crush ko siya. Kung sakaling mahalin ko siya hindi ko naman pipilitin na maging kami. 

Naisip ko lang, interesado kaya siya na makilala akong muli.

Tama...MAKILALA MULI. Ibig sabihin may kwentong tinatawag na nakaraan. Pero hindi nagtagal dahil nawala ako tapos nawala din siya. Hindi kasi kami nagkatagpo. Ang nasa isip ko kasi noon kapag nakita niya ako baka magbago siya ng pakikitungo. Kaya inunahan ko na walang patutunguhan. Mas mabuti pa na lumayo.

Tapos ngayon bumalik ako dahil gusto ko siya maging kaibigan. Baka this time we'll be friends na.

Hi, Jason! :-) 
Message ko sa kanya last February 27
Seen on March 4

Hindi siya nagreply.
Sira kasi ako.
Akala ko kasi.

Normal ba yun? Ganun lang talaga siguro kapag interesado ka sa isang tao tapos hindi naman siya interesado na makilala ka.

Monday, February 18, 2013

Celyn

IDLIP
- ingles: nap, doze, snooze, catnap
- literal na tulog-pusa o tulog-manok
- ang pagtulog ng magaan o maikli ng ilang sandali
- hilaw o maikling tulog

Last week naglakwatsa kami sa San Beda kasama ang aking mga kakosa. Sumakay kami ng bus papuntang Manila. Probinsyana lang. :-) 

Napansin ko ang isang kolehiyala na sumakay. Tumabi siya sa akin dahil nakita niya siguro na medyo marami na ang nakaupo sa bandang likod ng bus.

Ilang segundo ang nakakaraan, may tumawag sa kanya. Dahil katabi ko siya narinig ko na tinawag niya na "Beh" ang kausap niya. Kung ano ang kanilang pinag-usapan, it's none of my business. Hindi ko na inalintana ang kanilang pag-uusap dahil nakatingin ako sa labas ng bintana ng bus (mtv lang! hehe!).

Dahil medyo matagal ang biyahe medyo nakatulog si Ate. Napasandal siya ng konti sa aking balikat. Hanggang sa parang close kami ni Ate. Nagulat ako at kinalabit ang kaibigan ko na si Tina. Noong una hindi niya ako naintindihan pero inulit ko at bigla kong tinuro si Ate. Natawa si Tina kay Ate at sa aking reaksyon. 

Ginalaw-galaw ko ng pa-simple ang balikat ko. Walang epekto. Inaayos niya pa ang ulo niya. Wow Ate! 

Katapat lang ng upuan namin ang iba pa namin na mga kasama. Akala ko magigising si Ate dahil nagtatawanan kami. Dedma si Ate. 

Pero seryoso na. Mabigat na ang ulo ni Ate. Masakit na sa balikat.

Me: Miss, Miss gising ka na. (with low tone voice at pagkalabit sa braso, literal na paggising sa taong natutulog)

Walang epekto..isa pa.

Me: Miss, Miss gising. (medyo malakas na ang aking boses..baka sakali)

BOOM. Walang parin epekto.

Me: CELYN, gumising ka na! (hindi niya totoong pangalan dahil hindi ko naman siya kilala)

SOSYAL..wala parin epekto.

Nagkwentuhan. Nagtawanan. Nagkulitan. Wala epekto kay Ate. Kulang nalang sampalin ko para magising..Joke lang. :-)

Me: Baka may thesis 'to kaya puyat. 

Tina: Hindi, working student yan. 

Sabay tawanan.

Ginalaw ko ng todo ang balikat. Sa wakas after 10 years nagising si Ate. At parang wala lang nangyari. Hindi siya nagulat. Pumungas-pungas at inayos ang buhok. Kaloka si Ate.

After few minutes may tumawag sa kanya.

Sabi niya "Hello, sorry Beh nakaidlip lang ako sandali."

HUH?!!! 

Nakaidlip ka lang pero ginawa mong unan ang balikat ko. 

Si Ate talaga patawa, sarap sabunutan long hair pa naman. Haha! :-)

By the way, eto pala si Ate aka Celyn (left side). Actually, ginaya ko siya sa picture na 'to yung kasalukuyan na ang hirap niya gisingin. 


Hindi ko naman siya inaway. Muntik lang. Joke! Hehe!

'Til next kwento. Ingat! :-)

Sunday, February 17, 2013

Peach and Blue

It's Sunday Morning.
Again, here's my outfit of the day. :-)

Pleated Dress from Genevieve
Accessories from Jewel and Bayo
Flats from Greenhills


'Til next time.
Have a blessed day! :-)

Monday, January 28, 2013

Confessions to Gilbert

What is this I'm feeling, I just can't explain
When you're near, I'm just not the same
I'm tryin' to hide it, try not to show it.
It's crazy, how could it be...


From Multiply, Friendster, YM to Facebook naging dakilang researcher ako. Pati radio station ginamit ko para ma-greet ka lang. Kulang nalang i-flames ko ang pangalan natin dalawa. Hindi ko na matandaan kung ginawa ko eh. Pati si Mr. Kupido dinamay ko sa kabaliwan ko. :-)

Then nanghatak pa ako ng mga kasabwat sa buhay pag-ibig kong ito. Tulad nalang ng sumusunod:
- Pinilit ko ang isang batalyon (exaggerated!) para puntahan namin ang bahay nyo. Nagkamali pa ako sa location akala ko dun sa lugar na 'yon ang bahay nyo. But it's ok kasi pwede naman magtanong within the vicinity parin naman kaya napuntahan din namin. Ah dito pala. Sandali lang bababa po ako para kumatok. Nagulat sila akala nila gagawin ko. Joke lang sabi ko. :-)
- Once or twice a year (haha!) may pinapatawag ako sa opisina ninyo through her cellphone (para loudspeaker) just to let me hear your voice. Hindi kasi kita kayang kausapin baka ma-obvious masira ang plano.
- Sa isang event may nag-stolen shot sa'yo pero syempre hindi ako. Kaya lang sayang close-up pa naman. Na-delete nang hindi inaasahan. Pero nagkaroon ulit ng second chance kaya lang blurred.      
Oh-my-goodness. Ilan lang yan sa mga natatandaan ko hindi ko na matandaan kung ano pa yung iba kong kalokohan. Haha! 

Thank you my ever dearest PARTIDO. You know who you are. Such craziness. :-)


So what's my point?

Here it goes...
If a person wants to be a part of your life 
they will make an obvious effort to do so. 
Don’t bother reserving a space in your heart 
for people who do not make an effort to stay.


Finally, after almost four long years.

Seasons change and time erases the tears. I remember the boy but I don't remember the feeling anymore. Effect siguro ng anesthesia na dumaloy sa ugat papunta puso ko. Whatever. Haha! 

Sa haba ng tinakbo ko. Eto na yung tinatawag na finish line. Hanggang dito nalang talaga. Alam ko madaming beses ko na nabanggit sa blog na 'to (redundant na nga). Pero this time it's REAL. No alibis. No grudges. No bitterness. No what if's. No if only's. No worries. No expectations. Just acceptance that it happens for a reason. I don't have any regrets just lessons learned. Move on and let go. :-)

Life is beautiful indeed.  

I'm happy.

By the way,

It's not about who put you down and made you feel bad, 
it's about who made you SMILE again.


PRAY it works. Thank you po, Papa God! :-)

Tuesday, January 22, 2013

Plaid and Floral

This is just a quick post to share with you some of my outfit of the day. :-)


T.G.I.S
Thank God It's Sabado

Polo Blouse from Lhasa
Jeans from Herbench
Flat Shoes from Greenhills




Sunday Morning

Floral Dress from Market! Market!
Leggings from Mama :-)
Flat Shoes from Market! Market!
Fedora Hat from Aldo (Christmas gift from Jackie)


Well, 'til next time! Have a great day! :-)

Tuesday, January 8, 2013

Sunday, December 2, 2012

Mr. Kupido



Eh sino ba siya?! 

Siya po ang first subject sa post ko dito sa blog. Sa tagal ng panahon nang paghihintay ko sa taong ito hanggang ngayon hindi parin siya dumadating. Haha! :-)

Ibig sabihin, nagkakasalubong lang kami pero walang pansinan. Syempre kunwari deadma lang ako pero paglagpas sabay pa-simpleng ngiti. High school ang peg. Haha!

High definition diba! Paano naman kasi mabilisan lang yung shot na yan para hindi obvious. :-)

Seriously, I never grab his pictures in social network because I respect his privacy rights. But there's always an exemption to the rule. I have my own camera and it's my privilege to take pictures but still with some limitations pa rin (kaya nga kahit blurred okay lang because there's always next time pa naman...Haha!). Be responsible for your actions. Kalma lang. :-)

Wala pa siyang girlfriend crush ko na siya, kaya lang may girlfriend na siya ngayon pero crush ko parin siya. Okay lang yun dahil wala naman akong ginagawang masama. Payo nga ni Ramon Bautista, "Keep Calm and Abangan mo sila magbreak!"

Paano naman kung hindi sila mag-break? Ehh hindi ko alam. Hahaha! :-)

'Til next kwento. Be blessed! :-)

Thursday, November 8, 2012

11 things about me

This post is long overdue. Sorry Joanne, so busy days for the past few weeks kaya nakalimutan ko may blog pala ako. Hehe! :-) Here are my answers to your questions:

1. Why do you blog? Or what made you start blogging?
- Since high school days I enjoyed expressing myself through letters. Papel at ballpen ang katapat ng kadramahan ko sa buhay. Until I discovered blogging through Friendster. From then, I was encouraged to share every bits and pieces of my story through blogging.   

2. What is the essence of being a woman (for girls)?
- The essence of being a woman is to become a mother. She can withstand to any circumstances that she encounters through her compassion, courage and dignity. :-) 

3. Who is your first crush? Why?
- My grade school classmate kasi he is smart and cute. Naks!

4. What is your most embarrassing moment?
- Many to mention. Haha! Ms. Bloopers kasi ako.

5. How often do you get late for work?
- Once or twice a week. Haha!

6. What was the worst punishment you received at grade school? Why were you punished?
- None. It's true. Behave kasi ako when I was in grade school. Naging maldita nalang ngayon. Haha!

7. What is the craziest thing you've ever done?
- Actually madami kasi natural na baliw ako in reality. Okay I'll share this story nalang. My gift for my college barkada (The Pharmatons) during our Baccalaureate Mass. Inisa-isa kong hinanap sa campus at nilapitan yung mga crush nila tapos humingi ako ng message from them para sa mga kabarkada ko. Kumpleto pa ako sa materials para magsusulat nalang sila...PENTEL PEN and board paper. When they received it, sobrang natawa lang ako sa inexplicable reactions nila. Hehe!

8. What is your most favorite restaurant?
- Little Quiapo located at 90 Malakas St., Brgy. Pinyahan, Diliman, Quezon City

9. Have you ever cried watching a movie?
- Definitely YES. Haha! :-)

10. Coffee or Tea?
- Actually I seldom drink coffee or tea. H2O nalang. :-)

11. Do you think I'm pretty and sexy?
- YES! Of course! :-)

Credits to Joanne dear! :-)

Wednesday, September 19, 2012

Kwentong Kahit Ano

REGALO

Nakatanggap ako ng regalo mula kay Ate at Mama ngayong buwan na 'to. Hindi ko alam kung matatawag ko na Birthday gift or Christmas gift. Maaga para sa parehong okasyon. Mabait kasi ako kaya binigyan ako ng regalo. Haha!

meet my Rilakkuma pillow
antukin kasi ako kaya binigyan ako ni Ate ng unan..haha!
galing naman kay Mama!
addict kasi ako kay mickey at minnie mouse
Maraming salamat kay Ate at kay Mama. Sobrang nagustuhan ko ang kanilang mga regalo. :-)

TUHOD

Wala po kasi ako maisip na titulo para sa kwento na 'to. 

Malakas na naman ang ulan. Mabuti nalang girl scout ako dahil bukod sa may dala akong payong, may baon din akong tsinelas kaya pinalitan ko ang aking black shoes. Mabuti nalang may kasabay ako pauwi medyo gabi narin kasi.

Mabuti nalang medyo tumila na ang ulan.  Habang naglalakad, nag-uusap kami ni Ma'am Leh. Minsan nalang kasi kami magkasabay sa pag-uwi dahil mas madalas mas nauuna siya kaysa sa akin. Lakad sabay kwentuhan. Nang biglang...BLAG! Bigla akong nadulas. Nagulat si Ma'am Leh. Hindi ako nakatayo agad dahil sa masakit kong tuhod. Nagtanong si Ma'am Leh kung kaya ko pa maglakad. Sinabi ko nalang, "Opo, kaya ko po!" Mabuti nalang wala na masyadong tao dahil gabi na. Kahit medyo paika akong naglakad natatawa nalang ako sa sarili. Hindi ko alam parang cheering squad lang yung pagkakadulas ko. Haha! Kalowka!

Pagdating sa bahay tiningnan ko kaagad kung may sugat o pasa. Clear naman! Wala kahit anong marka! Pero masakit parang manhid na nga. Pagkalipas ng ilang araw...eto ang naging resulta ng aking  pagkasemplang.

Galeng! Hanggang ngayon may kulay ube parin ako sa tuhod! :-)
Next time..be careful. Haha! 

JEEP

Mabilis lang 'tong kwento na 'to parang kasing bilis ng pagkakadulas ko sa kalsada. :-)

Dumaan muna ako ng 7 Eleven para bumili ng alcohol at conditioner..wala kasi akong barya para sa pamasahe ko sa jeep...wow sosyal nagpabarya sa 7 Eleven pa. Isama na din ang yema dahil humirit ang kahera dahil wala din silang pangsukli. Haha! 

Pasakay na ako sa jeep, muntik pa akong iwan ni Manong dahil hindi yata ako napansin na sasakay. Sumigaw nalang ako, "Sandali lang po." Huminto ang jeep. May nakasabay akong sumakay. Nagbayad na ako at napatingin ako sa kasabay ko. Gwapo pala si Kuya. Sakto napatingin din siya. Yun oh! Syempre deadma lang. Nakatingin parin si kuya. Sabi ko sa sarili, ano kayang problema nito? 'wag mo ko tingnan ng ganyan kuya baka sapakin kita.

Tumingin ako ulit kay kuya pero nakatingin parin siya, sabay sabi ni kuya, "Ma, bayad po." Sabay nagpaabot sa akin ng pambayad. Lechugas mag-aabot ka lang pala ng fare mo. Akala ko crush ako ni kuya. Haha! Gusto ko na matawa kasi feelingera naman ang ateng. Pinigil ko talaga yung tawa ko hanggang sa makababa ako ng jeep. Eto ang tinatawag na maling akala. Napakanta nalang ako sa isip ko ng Limang Dipang Tao...

Sorry kuya, akala ko nagpapacute ka. 
Sorry kuya, pasensya ka na. 
Sorry na sabi, sorry na sabi, sorry napagkamalan ka.

Para mama, dito nalang, bababa na ako. 
Para na sabi, para na sabi, para nalang sa tabi.

Okay lang yan! Hindi naman alam ni kuya. Haha! :-)

'Til next time. 

Mangangalap ulit ako ng mga kwento!

Monday, August 27, 2012

Yellow Day

8.18.2012

Wedding Day. Eto yung pinakahihintay kong araw..haha! (Bride ka ba?! Sandali lang hindi pa ako tapos!) Eto yung pinakahihintay ko dahil sa yellow gown ko. Dahil natural na morena ang aking kulay, tapos nadagdagan pa ng init ng araw sa Coron. Wow! Yellow, oh yellow! 

Convo with Miko :-) 

Miko: Mi, hindi ka kaya mapahiya?
Me: Eh bakit naman? (Parang alam ko na ang hirit ng batang 'to)
Miko: Eh kasi baka ikaw lang ang maitim dun. Tapos sila mapuputi. 
Me: Wow. Thank you ha! Panget ako?
Miko: Hindi naman sa ganun. Konti lang. Ang problema kasi sa'yo yung kulay mo. (Natawa naman ako) 
Me: Ang bait mo Miko! Ganito naman talaga ang kulay ko diba.
Miko: Hindi medyo light naman yung kulay ng balat mo dati. Eh kasi swimming ka ng swimming kaya naging ganyan ang balat mo. (Sabay tawa) 

Another scene:

Mama ni Mico: Miko black beauty naman si Mimi diba
Miko: Hindi. Black Lady yan.
Me:: Miko konti nalang. (medyo pikon slash inis na yung tone ng boses..haha!)

Tumahimik na ang mapang-asar na bata dahil malapit narin ako mapikon. Haha! Pero hindi pa pala tapos humirit pa dahil bago kami umalis sinabihan ako na kasing kulay ko daw si Dora. Hehe!

Further, nagamit ko na ang gown ko before (wedding day ni gF lalah) then inalis ko nalang ang kulay kahel na design para magamit ko ulit. :-) So ang binili ko lang talaga for this occasion ð hair clips, silver shoes and gift (of course). 

How about my make-up? Haha! Nakipag-set ako ng appointment sa The Body Shop for my FREE makeover. Privilege ng LYB members nila. In other words, naghanap ako ng libre. Hehe! Dahil mall wide sale, quick make-up lang. Para sa akin, okay naman. :-)



Best wishes Elvin and MC! :-)

Tuesday, August 21, 2012

One, Two, Three :-)

Bukod sa aking cellphone, ang pangalawa kong gadget ay ang aking digital camera. Taon narin ang binilang sa tagal ng aming samahan. Sa bawat lakwatsa at work-related events na aking pinupuntahan kasama ko ang aking digital camera. Para sa akin ang bawat litrato ay isang priceless souvenir. :-)



Sunday, August 12, 2012

Feeling Photographer (Malcapuya Island Edition)

Based from our original tour package, Malcapuya Island is excluded to our itinerary. But since we requested to visit the place, we arranged it after our sumptuous dinner (good deal) with Ms. Mila of Coron Blue Lagoon Adventure Travel and Tours.

The following day, we woke up early because we're so much excited on our second day tour. We got ready before 8:00am. We were picked up by our guide, Ms. Len. We walked through the port (located at Lualhati Park) then hopped on a boat and sailed on to our first destination. We were completely fascinated with the scenery around. After an hour and a half, we arrived at the shore of Malcapuya Island. I'm not a Pro and I don't even own a DSLR. But I love taking pictures! This is my moment! Haha! :-)

The docking area is at the back of the island. We hopped off the boat and walked a few minutes to reach the beach front.

When I saw the beach front, I immediately grabbed my camera and took this first shot.

pristine waters and powdery white sand :-)
I moved a little bit closer.

I'm in love :-)
magnificent rock formations
 Just few meters away and you'll see the coral reefs (and Nemo as well) :-)


We spent half of our day here.  The heat of the sun didn't even refrain us from swimming in the crystal clear waters of Malcapuya. The place is so relaxing, refreshing and peaceful.  The blue skies, pristine waters and fine white sand really made our day. :-)

My sweet remembrance for this vacation is my sun-kissed skin. :-) When I got back to Manila, my cousin informed me that I'll be a part of their wedding entourage (secondary sponsor-cord). The challenge for me is the wedding motif (Golden Yellow). Okay! Haha! I have 1 month and 4 days before the wedding (July 14-August 17). And up to this date (5 days to go), no comment. Haha! Well, this will be another story. :-)

Friday, August 10, 2012

Feeling Photographer (Coron Edition)

July 11: We left NAIA Terminal 3 in Manila at exactly 12:15pm (via Cebu Pacific). After an hour and approximately 20 minutes we arrived at Francisco B. Reyes Airport in Busuanga. We were fetched by our tour guide named Ms. Len and had a van ride (which is a part of our tour package) for an hour going to Coron town.

View from the plane
We're here :-)
Mt. Tapyas trekking (town view from the top)
 
Maquinit Hot Spring
In Maquinit, your skin toning begins. With its 40 degree Celsius water temperature,
a gradual dip into a huge pool is considered therapeutic.

July 12: We woke up at 5:45am to witness the sunrise and prepare for our second full day tour (8:00 am-4:30pm). :-)

My bed for 3D2N (I love the blue pillow!)
Feel the morning breeze...
Magandang Umaga, CORON!
Overlooking view from rooftop patio
We occupied the rooftop rooms. I love the place. :-)
View from BalaiBinda rooftop
Lualhati Park
Scenes from our boat ride going to Malcapuya Island
Calm sea water surface
After an hour and a half of boat ride..we finally arrived at
Malcapuya Island (just click for another blog story)
Be brave enough to climb up and down.  It took 20 minutes until we arrived at the lake.
The Barracuda Lake
With maximum depth of around a 100 feet and visibility of 5-30 meters.
The lake got its name because of a Barracuda skeleton recovered within its waters. Actually until now, the Barracuda inhabits the lake and there's a possibility that you'll encounter them. There is a group of divers at this moment and they encountered a big barracuda down under but they said it suddenly changes direction. Hala!
It's quite creepy. But since I have my life vest and snorkeling gear I'd like to see how it looks like under.  (Looks like something out of Avatar. Hehe!)

July 13: AMAZING RACE. Our last day tour will starts at 6:00am until 11:00am. Then we will fly back to Manila at 1:40pm (boarding time). Yes we can! :-)

Ready, Get Set, GO!
Twin Peaks Reef
Entrance to the Lake
Limestone rocks
What lies beneath...
View from the cliff
After 20 minutes of trek...
Cool, clear and tranquil blue waters.
The Kayangan Lake
Synchronized swimming (Haha!)
the Professional Swimmers (kiddin' aside!)
that's me at the middle (haha!)
wow shot for me :-)
having fun :-)
At Siete Pecados
Time checked 10:45 am
Beautiful marine life
It's already 12:35pm. But we still managed to take this picture. So cool. Haha! After this shot we ran through the airport's entrance. Oops, they checked our luggage manually. Good thing, there's no line of passengers (aside from us) through the check-in counter.  No need to worry..we're checked-in at approximately 12:55pm (45 minutes before our boarding time) :-)
Home Sweet Home :-)
I must say, who wouldn't fall in love with Coron? With its stunning natural beauty and breathtaking views. Its definitely worth coming back. :-)